Ikot ng mundo Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2019
Lyrics
Maraming araw ang lumipas
Ngunit ang mata'y mas matalas
Ngunit di makita ang bukas
Dahil walang sagot ang hinahanap
Subukan mo kaya kumilos
Sumabay sa agos ng buhay
At sino ang nakatingin sa salamin
Ang nawawala ay hahanapin din
Sana'y masilayang muli ang pagasa
Ang katulad mo, ang kailangan ko
Liliyab muli ang apoy sa damdamin
Tulungan mo ako
Baguhin ang ikot ng mundo
Puro usok lang ang nasa paligid
At kahit ang tinig ay di mo marinig
Pahirin mo ang luhang pasakit
At sa liwanag ay tuluyang lumapit
Subukan mo kayang kumilos
Isigaw mo ang iyong damdamin
At sino ang nakikita sa salamin
Ang nawawala ay hahanapin din
Sana'y masilayang muli ang pagasa
Ang katulad mo, ang kailangan ko
Liliyab muli ang apoy sa damdamin
Tulungan mo ako
Baguhin ang ikot ng mundo
Paghihintay mo ay may darating din
Huwag mag-alala, huwag mag-alala
Paglalakbay mo ay natapos din
Magtiwala ka, magtiwala ka
Sana'y masilayang muli ang pagasa
Ang katulad mo, ang kailangan ko
Liliyab muli ang apoy sa damdamin
Tulungan mo ako
Baguhin ang ikot ng mundo
Sana'y masilayang muli ang pagasa
Ang katulad mo, ang kailangan ko
Liliyab muli ang apoy sa damdamin
Tulungan mo ako
Baguhin ang ikot ng mundo
Oo..
Oo..
Oo..
Oo..