
Gintong upuan Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2023
Lyrics
Sa dami ng maloloko mo bakit Pilipino pa ang ginago mo?
Hindi ka naman isang banyaga, hindi ka naman naiiba
Ang kulay mo ay kulay ko
Tingnan mo ang ating bayan
Kung ikaw ay naluluklok sa isang gintong upuan
Sila naman ay nakalublob sa isang baha
Hindi sana ganito ang kahirapan sa Pilipinas
Kahit saan man sa mundo
Maraming Pilipinong nakikibaka
Makamtan ang katarungan dahil sa pagbababoy mo
Sa dami ng maloloko mo bakit Pilipino pa ang ginago mo?
Hindi ka naman isang banyaga, hindi ka naman naiiba
Ang kulay mo ay kulay ko
Iilan sa ating mambabatas ang nasilaw sa kinang ng isang gintong upuan
Sila din ang sumisira sa ating lipunan
Hindi sana ganito ang kahirapan sa Pilipinas
Kahit saan man sa mundo
Maraming Pilipinong nakikibaka
Makamtan ang katarungan dahil sa pagbababoy niyo
Kahit saan man sa mundo
Maraming Pilipinong nakikibaka
Makamtan ang katarungan dahil sa pagbababoy niyo