Kahit sa panaginip lang Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2023
Lyrics
Kapag ako'y nag-iisa, ikaw lamang ang hinahanap
Ang buhay ko'y ibang-iba mula nang masilayan ka
O giliw kung ako'y naririnig ang sigaw ng puso ko para sa iyo
Siguro ay 'di pa kailangang magising
Basta't kasama ka ikaw ang buhay ko
Ikaw ako kahit sa panaginip lang
Minsan ay nag-aabang na makita ka't makasama ka
Kahit sa panaginip lang, ayoko pang magising
Dahil bitin na bitin ako sa iyo
Sigaw ng isip ko'y huwag magising
Baka sakaling makamit ang pag-ibig mo
Basta't kasama ka ikaw ang buhay ko
Ikaw ako kahit sa panaginip lang
At kung sakaling marinig at iyong maramdaman
Kahit man lang sa iyong panaginip ay makita rin ako
O giliw kung ako'y naririnig ang sigaw ng puso ko para sa iyo
Siguro ay 'di pa kailangang magising
Basta't kasama ka ikaw ang buhay ko
Ikaw ako kahit sa panaginip lang
Sa tuwing ika'y nakikita, may ngiti sa iyong mga mata
Marahil sa panaginip mo, ako ba ang nakita mo?
Dahil bitin na bitin ako sa iyo
Sigaw ng isip ko'y huwag magising
Baka sakaling makamit ang pag-ibig mo
Basta't kasama ka ikaw ang buhay ko
Ikaw ako kahit sa panaginip lang