Hagkan Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2023
Lyrics
Sinta, halika ka na sa'kin
Sabay tayong maupo sa lilim
Hayaan mo akong ika'y yakapin
Susulitin ang nakaw na sandali
Hahagkan ka ng mabagal
Habang hawak ang iyong mga kamay
Di hahayaang masayang ang mga oras
Ipapadama sayo ang damdamin na di kumukupas
Wala ng makakatalo sa
Ligayang dinudulot mo
Sa'king buhay
Pinuno mo ng kulay
Lumabo man ang aking paningin
Pilit parin kitang hahanapin
Kase ikaw lang mahal,
Wala ng iba, tayo lamang sa isa't isa
Hahagkan ka ng mabagal
Habang hawak ang iyong mga kamay
Di hahayaang masayang ang mga oras
Ipapadama sayo ang damdamin na di kumukupas
Sinta, halika ka na sa'kin
Sabay tayong maupo sa lilim