Luna Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2023
Lyrics
Heto na naman ang aking kapanglawan
Mga luha sa mata ay hindi na mapigilan
Tulala't nag iisa, nakatingin sa kawalan
Kadiliman ng paligid ko'y hindi na namalayan
Sa paglubog ni haring araw
Liwanag mo ang aking ilaw
Oh' sinag mo luna
Ang aking medisina
Sa malungkot na gabi
Ni walang makatabi
Umaasang ako'y may makapiling rin
Kailan makakakuha, ng matamis na halik
Hindi ko maitago ang aking pagkasabik
Hindi naman ako yung tao na nagmamadali
Ako'y maghihintay kahit ilan pang sandali
Sa paglubog ni haring araw
Liwanag mo ang aking ilaw
Oh' sinag mo luna
Ang aking medisina
Sa malungkot na gabi
Ni walang makatabi
Umaasang ako'y may makapiling rin
Ohhh
Kahit na malayo man ang ating pagitan
Tanaw parin naman ang iyong Kagandahan
Sa daming nakikita na kumikinang na tala
Pero sa aking puso, ikaw lang nakakuha
Oh' sinag mo luna
Ang aking medisina
Sa malungkot na gabi
Ni walang makatabi
Umaasang ako'y may makapiling rin
Ohhh