Pagsubok (Solo Version) Lyrics
- Genre:Gospel
- Year of Release:2023
Lyrics
Ang Diyos nakikinig tumawag ka lang sa Kanya
Sagot Niya'y oo, hindi o maghintay
Magtiwala't 'wag mag-alinlangan
Sa tamang panahon Kanyang ibibigay
Maging matatag at positibo
Lalaban at 'di agad susuko
Ano mang pagsubok ay handa tayo
Dahil ang Diyos ay kasama natin dito
Akala natin ay 'di Niya nakikita
Ating paghihirap at pagdurusa
Ang totoo ay kasama natin Siya
Si Kristo Hesus ang ating pag-asa
Maging matatag at positibo
Lalaban at 'di agad susuko
Ano mang pagsubok ay handa tayo
Dahil ang Diyos ay kasama natin dito
Matinding pagsubok ay nararanasan
Yaman at katanyagan ay walang kabuluhan
Panalangin, pagkakaisa at pagtutulungan
At tiwala sa Diyos ang ating kailangan
Maging matatag at positibo
Lalaban at 'di agad susuko
Ano mang pagsubok ay handa tayo
Dahil ang Diyos ay kasama natin dito
Maging matatag at positibo
Lalaban at 'di agad susuko
Ano mang pagsubok ay handa tayo
Dahil ang Diyos ay kasama natin dito
Ano mang pagsubok ay handa tayo
Dahil ang Diyos ay kasama natin dito