
Para Kay Nanay Lyrics
- Genre:Folk
- Year of Release:2023
Lyrics
Natatandaan ko noong ako'y musmos pa
Mga gawaing bahay kanyang inuuna
Paglalaba, paglilinis at pagluluto sa kusina
Pagkaing ihahain sa aming la mesa
Dalangin ko kay Hesus nawa'y
Humaba pa ang kanyang buhay
Ang pagmamahal na aming alay
Para sa kanya'y walang kapantay
Matalino at madiskarte sa buhay
Kaya humahanga ako kay Nanay
Madisiplina sya, ayaw na ayaw ng pasaway
Magandang asal ay itinuro nila ni Tatay
Dalangin ko kay Hesus nawa'y
Humaba pa ang kanyang buhay
Ang pagmamahal na aming alay
Para sa kanya'y walang kapantay
Sampung magkakapatid kami'y pinag-aral
Pambayad sa eskwela'y lubos nilang pinagal
Mula sa pagsasaka ni Tatay
Dahil edukasyon ay gusto nilang ibigay
Dalangin ko kay Hesus nawa'y
Humaba pa ang kanyang buhay
Ang pagmamahal na aming alay
Para sa kanya'y walang kapantay
Dalangin ko kay Hesus nawa'y
Humaba pa ang kanyang buhay
Ang pagmamahal na aming alay
Para sa kanya'y walang kapantay
Ang pagmamahal mo'y walang kapantay