
Umpisa Lyrics
- Genre:Folk
- Year of Release:2023
Lyrics
Maraming sakit
Maraming paalam
Pupuntaha'y 'di alam kung saan
Maraming pagdududa
Ikaw ay nangangapa
Saan kakapit ngayong ika'y nadapa
Buhay ay di laging tag-araw
Minsan ang lilingap sa sarili ay ikaw
Babangon, tatayo, tatakbo, lilipad
Kung sakaling mabali ang pakpak
At ako ay lumagpak sa lupa
Tutunghay pa rin sa langit
Mangangarap ng paulit-ulit
Ako'y babalik ng may pag-asa sa umpisa
Maraming unos
Dinarang ka sa apoy
Tila walang nakikinig ng panaghoy
Ika'y hinusgahan
Ano bang alam nila
Nang nalulunod ka'y nasaan ba sila
Buhay ay di laging tag-araw
Minsan ang lilingap sa sarili ay ikaw
Babangon, tatayo, tatakbo, lilipad
Kung sakaling mabali ang pakpak
At ako ay lumagpak sa lupa
Tutunghay pa rin sa langit
Mangangarap ng paulit-ulit
Ako'y babalik ng may pag-asa sa umpisa
Parang kulang pa ang iyong binibigay
Pa'no ba susukatin halaga ng 'yong buhay
Hindi mo alam pa'no mag-uumpisa
Pa'no ka aahon nang ika'y nag-iisa
Babangon, tatayo, tatakbo, lilipad
Kung sakaling mabali ang pakpak
At ako ay lumagpak sa lupa
Tutunghay pa rin sa langit
Mangangarap ng paulit-ulit
Ako'y babalik ng may pag-asa sa umpisa
Ako'y babalik ng may pag-asa
Ako'y babalik ng may pag-asa
Ako'y babalik ng may pag-asa
Sa umpisa