Huling Paalam Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2022
Lyrics
Kung ang puso kong ito'y bubuksan
Ang makikita mo ay ang 'yong larawan
Ngunit dapat nang magpaalam
Kung lagi lang akong nasasaktan
Di ako pinilit na ika'y ibigin
Sa 'yo ang mundo kong ito'y paikutin
Ngunit di na dapat ilaban pa
Kung ang puso mo'y 'di na akin
Ito na ang huli kong paalam
Kahit na paglisan ay ako lang ang masasaktan
Ngunit 'di dapat hayaan ang sarili'y palaging nasa hulihan
Damdamin ko sa 'yo'y 'di nagbago
Lahat ay kaya kong gawin para lamang sa 'yo
Ngunit 'di dapat hayaan ang sarili'y palaging nasa hulihan
Unti-unting nagbago ka
Parang hindi mo na ako nakikita
Di na kaya pang magbigay
Kung pag-ibig sa sarili ay wala na
Akala ko'ng sakit ay lilipas din
Hanggang huli ay kaya kang unawain
Kahit ga'no ka kagustong buuin
Ako nama'y taong napapagod din
Ito na ang huli kong paalam
Kahit na paglisan ay ako lang ang masasaktan
Ngunit 'di dapat hayaan ang sarili'y palaging nasa hulihan
Damdamin ko sa 'yo'y 'di nagbago
Lahat ay kaya kong gawin para lamang sa 'yo
Ngunit 'di dapat hayaan ang sarili'y palaging nasa hulihan
At hindi nangangahulugan
Na ako'y wala nang nararamdaman
Ito na ang huling paalam
Nang nawawalang sarili'y muling matagpuan