![Pagtalima ft. Sem. Francis Louie Maranan, Meisters Chorale, Kenosis Chorale & Fr. John Paul Morales](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/02/29/f22b05bf565442919093ec0ab73336c9_464_464.jpg)
Pagtalima ft. Sem. Francis Louie Maranan, Meisters Chorale, Kenosis Chorale & Fr. John Paul Morales Lyrics
- Genre:Gospel
- Year of Release:2023
Lyrics
Noong gabing lubhang banal
Kasama'y katotong mahal
At doon sa senakulo
Sa isang piging nagsalo
Nagiwan ng bagong bilin
Kaibigan ay 'yong mahalin
At itanim sa puso nyo
Tandang kayo'y alagad Ko
Halina at inyong tanggapin
Tinapay na sa inyo ay hain
Itong kalis ay inumin
Bilang pag-alala sa'Kin
Sarili sa inyo'y ibibigay
Kapalit ma'y aking buhay
Tanda ng pagtalima Ko
Sa loobin ng Ama Ko
Tinapay ay hinawakan
At inyo ay binasbasan
Kapagdaka ay hinati
Sa lahat ay binahagi
Sa krus gayon di'y nangyari
Kasalanan ay nagapi
Dahil sarili'y inalay
Hinati't 'binahagi
Halina at inyong tanggapin
Tinapay na sa inyo ay hain
Itong kalis ay inumin
Bilang pag-alala sa'Kin
Sarili sa inyo'y ibibigay
Kapalit ma'y aking buhay
Tanda ng pagtalima Ko
Sa loobin ng Ama Ko
Sa Krus katawan ay in'alay
Dugo Ko ay ibinuhos
Sa kaligtasan ng Tanan
Halina at inyong tanggapin
Tinapay na sa inyo ay hain
Itong kalis ay inumin
Bilang pag-alala sa'Kin
Sarili sa inyo'y ibibigay
Kapalit ma'y aking buhay
Tanda ng pagtalima Ko
Sa loobin ng Ama Ko
Tanda ng Pagtalima ko
Sa loobin ng Ama Ko