
Pagtitiwala ng Puso ft. Fr. Cristian T. Sison, Meisters Chorale, Kenosis Chorale & Fr. John Paul Morales Lyrics
- Genre:Gospel
- Year of Release:2023
Lyrics
Ang pusong nababalisa
Sa kataksilan at sala
Kaloobang tumatangis
Dulot ng sakit at hapis
O kay daming katanungan
Bumaling kung saan-saan
Lubos na nakalimutan
Pag-ibig Mo ang kasagutan
D'yos ko, O D'yos ko
Ang buhay ko ay laan sa'Yo
Walang ibang itatangi
Maliban sa pag-ibig Mo
D'yos ko, O D'yos ko
Gawin Mong muli ako'y Iyo
Muling ipauubaya
Ang sarili sa'Yong pagkalinga
Sa Gitna ng kadiliman
Ang kamay ko ay Iyong tangan
Sa daan ng kaguluhan
Tanging Ikaw ang takbuhan
Sa sugat ng kasalanan
Patuloy kang kagalingan
Sa sandali ng kahinaan
Ikaw Poon ang kalakasan
D'yos ko, O D'yos ko
Ang buhay ko ay laan sa'Yo
Walang ibang itatangi
Maliban sa pag-ibig Mo
D'yos ko, O D'yos ko
Gawin Mong muli ako'y Iyo
Muling ipauubaya
Ang sarili sa'Yong pagkalinga
D'yos ko, O D'yos ko
Ang buhay ko ay laan sa'Yo
Walang ibang itatangi
Maliban sa pag-ibig Mo
D'yos ko, O D'yos ko
Gawin Mong muli ako'y Iyo
Muling ipauubaya
Ang sarili sa'Yong pagkalinga
Muling ipauubaya
Ang sarili sa'Yong pagkalinga