Pangako (Wedding Song) Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2023
Lyrics
Simula ngayon at bukas
Sasamahan ka hanggang sa wakas
Pangako'y tunay at wagas
Kailanman ay hindi kukupas
Sa hirap man o ginhawa ay sasamahan ka
Sa kalusugan o karamdaman sinta
Hinding hindi ka iiwanan hanggang kamatayan
Pangako ay tapat magpakailan pa man
Walang hanggan kitang mamahalin
Sa araw araw ay ikaw ang pipiliin
Hindi magsasawang ika'y unawain
Hindi mapapagod na ika'y suyuin
Aalagaan at iingatan ka
Hanggang sa tayo ay tumanda
Ikaw lang at ako hanggang sa pagtanda
Pagtanda
Ika'y nilikha para aking makasama
Sa habang buhay tayo ay magsasama
Sa harap ng lumikha tayo'y sumumpa
Ikaw at ako hanggang pagtanda
Hanggang Pagtanda
Walang hanggan kitang mamahalin
Sa araw araw ay ikaw ang pipiliin
Hindi magsasawang ika'y unawain
Hindi mapapagod na ika'y suyuin
Aalagaan at iingatan ka
Hanggang sa tayo ay tumanda
Walang hanggan kitang mamahalin
Sa araw araw ay ikaw ang pipiliin
Hindi magsasawang ika'y unawain
Hindi mapapagod na ika'y suyuin
Aalagaan at iingatan ka
Hanggang sa tayo ay tumanda
Hanggang sa tayo ay tumanda
Mamahalin kita hanggang sa pagtanda
Pagtanda