Sana pwede pa Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2022
Lyrics
Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin
Nanlamig ang mga titig mo sakin
Ang halik di na kasing lambing ng dating pagtingin
Bakit biglang nagbago bugso ng damdamin
Parang di na ako ang gusto kapiling
Ang yakap di na kasing higpit nawalan na ng diin
Ang tamis ng kahapon ibang iba na ngayon
Bakit ganon?
Sana pwede, pwede, pwede, bumalik sa umpisa
Sana pwede, pwede, pwede, ayusin pa
Sana pwede, pwede, tayo nalang ulit dalawa
Sana pwede, pwede, pwede, pwede pa, sana pwede pa
Sana pwede pa, sana pwede pa
Bakit biglang nagbago ang trato mo sakin
Ano ba ang kulang ba't di pa sabihin
Nawala na ang saya ng pagibig na binuo natin
Ang tamis ng kahapon ibang iba na ngayon
Bakit ganon?
Sana pwede, pwede, pwede, bumalik sa umpisa
Sana pwede, pwede, pwede, ayusin pa
Sana pwede, pwede, tayo nalang ulit dalawa
Sana pwede, pwede, pwede, pwede pa
Sana pwede, pwede, pwede, bumalik sa umpisa
Sana pwede, pwede, pwede, ayusin pa
Sana pwede, pwede, tayo nalang ulit dalawa
Sana pwede, pwede, pwede, pwede pa
Sana pwede pa.. tayo pa rin dalawa
Sana pwede pa kung di naghanap ng iba