Metronome Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2022
Lyrics
Sa bilis, 'di makasabay
Di mahabol ang agos ng buhay
Pwede bang itigil muna ang ikot ng mundo
Pakinggan ang pagsamo
Ang hiling sa bituin, 'wag akong maiwan sa dilim
Oras ay pahihintuin dahil ngayong sandali
Sasayaw sa kumpas ng tugtog
Aawit sa sarili kong tyempo
Di magmamadali
At ang sinulat na musika'y dadamhin
Mahinahong maglalakbay
Haharap sa karera ng buhay
Dahan-dahan akong tatakbo
Sa iba'y di magpapaapekto
Ang aking panalangin, 'wag sanang maiwan sa dilim
Mabagal o matulin, ako lang ang susundin
Sasayaw sa kumpas ng tugtog
Aawit sa sarili kong tyempo
Di magmamadali
At ang sinulat na musika'y
Dadamhin, iingatan aking damdamin
Dadamhin, at hanggang sa huli
Sasayaw sa kumpas ng tugtog
Aawit sa sarili kong tyempo
Di magmamadali
At ang sinulat na musika'y
Sasayaw sa kumpas ng tugtog
Aawit sa sarili kong tyempo
Di magmamadali
At ang sinulat na musika'y dadamhin