My Superman Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2022
Lyrics
Heto na naman kakausapin ka
Maririnig ko na naman ang boses mong nagdudulot sa akin ng kaba
Gagawa ulit ako ng paraan
Para lalo pang pahabain ang ating pinag-uusapan
Lagi na lang ganito
Pag ika'y lumalapit
Buong atensyon ko nakatuon na lang sa'yo
Kailan ba kasi mapapansin
My superman, super manhid mo talaga
Lahat na ang may alam na gustong gusto kita
My superman, super manhid kang talaga
Ikaw na lang nag-iisang 'di nakakahalata
You're my superman
Ayoko na sana ang magustuhan ka
Pero 'pag naiisip ko tila nananadya may nangyayari bigla
Bakit kasi isang ngiti mo lang
Lahat ng inis sa pagkamanhid mo'y tuluyan nang nawawala
Lagi na lang ganito
Di na nga ako susuko
Kasi ang puso ko malalim ang tama sa'yo
Pa'no pa ito mababago
My superman, super manhid mo talaga
Lahat na ang may alam na gustong gusto kita
My superman, super manhid kang talaga
Ikaw na lang nag-iisang 'di nakakahalata
Pinahalata ko na nga
Ang nararamdaman sa iyo
Pero tatanggapin ko na lang
Na ikaw ay ang aking
Ang aking
Aking superman, super manhid mo talaga
Lahat na ang may alam na gustong gusto kita
Aking superman, super manhid kang talaga
Ikaw na lang nag-iisang 'di nakakahalata
My superman, bakit kasi ngayon lang
Nalaman mo rin sa wakas, pag-ibig ko sa'yong wagas
My superman, ngayon nga'y alam mo na
Tapatin mo ako kung dapat na umasa pa
O habang buhay kang magpapanggap na superman
My superman
Aking superman
Oooh-ooh