Kampana ft. DonMigs & Not The Old Me Music Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Nadidinig ko na ang tunog ng kampana
Tila sayaw para sa iyong ligaya
Di na para sa'tin ang sulat ng tadhana
Binago na ng ikot ng mundo ang kwento ng
Ikaw at ako
Lakad pababa deretso
Bit-bit ang mga ngiti mo
Ang siyang para sayo'y nasa dulo
Ako'y nasa pagitan ng pasilyo
Ba't nga ba 'ko nandito
Masaksihan ko na lang siguro
Matupad sa'yo mga pangako
Na ako ang siyang pumako
Siya ang umako
Nanatili sa'yong tabi
Dahan-dahang binuo muli
Sa'kin ngayon ang pagsisisi
Ngayong
Nadidinig ko na ang tunog ng kampana
Tila sayaw para sa iyong ligaya
Di na para sa'tin ang sulat ng tadhana
Binago na ng ikot ng mundo ang kwento ng
Ikaw at ako
Pinangako ko sa'yo
Na walang iwanan, ngunit ikaw nalang nandiyan
Ang kahapon, aking tinapon
Pinunasan ko sana ang luha sa'yong mata Oh
Ikaw nalang umayaw sa pagbitaw
Dapat masaya ako para sa'yo
Pero ba't ako nandito Oh
Kita ko ang saya sa'yong mata
Sa pag suot ng sing-sing sa isa't-isa
Bibitawan na kita
Nadidinig ko na
Nadidinig ko na ang tunog ng kampana
Tila sayaw para sa iyong ligaya
Di na para sa'tin ang sulat ng tadhana
Binago na ng ikot ng mundo ang kwento ng
Ikaw at ako