
Bodabil Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2022
Lyrics
Hindi mawawala ang mahika't hiwaga ng ating paglalakbay
Sa ensayo nasasabik sa'yo
Ang kalendaryo ang magdidikta kung kailan tayo isasabak sa
Kunwaring ibubulong sa'yo't ika'y tatawa
Nagkandamali-mali na ang dula
At tayo'y nawala sa nabitawan kong... linya
Hindi nalalayo itong istoryang paulit-ulit nating piniperpekto
Hanggang sa huling araw, nagagalak ang puso't
Ilang ulit na rin namang nabanggit sa'yong
Kung maaari, huwag kang maiilang at tatawa
Hayaan mong sila ay mamangha
Siguro tayo ay nadala sa nabitawang kong... linya
Hagkan mo ako kung 'di ka makikita
Sa huli ang gusto ko lamang ay
Hagkan mo ako kung 'di ka makikita
Sa huli ang gusto ko lamang ay
Kung maaari, huwag kang maiilang at tatawa
Hayaan mong sila ay mamangha
Siguro tayo ay nataranta sa nabitawan kong... linya
Hagkan mo ako kung 'di ka makikita
Sa huli ang gusto ko lamang ay
Hagkan mo ako kung 'di ka makikita
Sa huli ang gusto