
Katuwang ft. Julie Khristine Panganiban Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2022
Lyrics
Madilim na paligid
Di makapag salita
Walang naririnig
At di kayang tumayo
Kahit may kapansanan
Sila'y maraming kakayahan
Huwag natin silang pababayaan
Kailangan nila ng katuwang
Andito ako, andito tayo
Ating bigyan ng kulay ang kanilang mundo
Wag gawing hadlang
Kapansanan ng Bayan
Tagumpay ay makakamtan
Kung tayo'y mag tutulungan
Nag iisang haligi
At ilaw ng tahanan
Bilad sa araw
Isang kahig, isang tuka
Kahit may kahirapan
Sila'y maraming kakayahan
Huwag natin silang pababayaan
Kailangan nila ng katuwang
Andito ako, andito tayo
Ating bigyan ng kulay ang kanilang mundo
Wag gawing hadlang
Kahirapan ng Bayan
Tagumpay ay makakamtan
Kung tayo'y mag tutulungan
Wag maging bulag, sa mga katotohanan
Wag maging bingi, mga daing ay pakingan
Wag maging pipi, maging boses ng naaapi
Wag maging pilay at ipaglaban ang bayan
Andito ako, andito tayo
Ating bigyan ng kulay ang kanilang mundo
Wag gawing hadlang
Kapansanan ng Bayan
Tagumpay ay makakamtan
Kung tayo'y mag tutulungan
Andito ako, andito tayo
Ating bigyan ng kulay ang kanilang mundo
Wag gawing hadlang
Kahirapan ng Bayan
Tagumpay ay makakamtan
Kung tayo'y mag tutulungan