
Pagmulat Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2022
Lyrics
Sa dinami-dami ng pinagdaanan pagusubok ang tangan
Mga luha na tila nababanaag sa iyong mata
Tulad ng bagyong pumipigil sa ating paglalayag
Kung ngayon ka pa susuko paano nang Inang Bayan
Ipaglaban na
Ang bukas ay iyong tangan
Kumapit lang, kumapit ka
Sa dinami-dami ng mga sigalot na nagaganap
Pagkabaha-bahagi ng mga isipan at mga diwa
'Di ba't iisa ang lahi na ating pinagmulan
Bigkisin magsama sama, linawin ang puso't isipan
Kalimutan na, ang galit at hidwaan
Lumapit na, Magkaisa
Sa dinami-dami ng mga hindi nagkakaunawaan
Isipin lamang natin ang lupang pinagsilangan
Itaas sa Maykapal Siya ang bahala, tayo ang gawa
Pait man ng hirap na dinanas, Ligaya din ay makakamtan
Ipaglaban na
Ang bukas ay iyong tangan
Kumapit lang, kumapit ka
Lumapit na, Magkaisa