Ako'y Mahalaga Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2022
Lyrics
Ako'y mahalaga kahit sabihin ng ibang
Hindi ako karapat dapat, alam kong mali sila
Huwag mong hayaang iparamdam nila sayong
Ika'y mahina dahil liwanag mo'y nakakahalina
Ako'y matapang, dakila, makapangyarihan
Ako'y masagana, punong-puno ng pag-asa
May karapatan akong tratuhin ng mabuti
Pagmamahal sa sarili ay mahalaga
Ako'y mahalaga
Aah
Higit pa sa sapat ang iyong pagsisikap
Kabaitan sa mundo'y ating ipalaganap
Sa kabila ng lahat ng kadilimang naranasan
Malalampasan din ang mga paghihirap
Ako'y matapang, dakila, makapangyarihan
Ako'y masagana, punong-puno ng pag-asa
May karapatan akong tratuhin ng mabuti
Pagmamahal sa sarili ay mahalaga
Ako'y mahalaga
Aah
Ramdam ko sa mga paa ang lupa
At ang liwanag ng araw sa mukha
Hindi ito ang huling patak ng luha
Ngunit ito ang simula ng paghilom ng sugat
Ako'y matapang, dakila, makapangyarihan
Ako'y masagana, punong-puno ng pag-asa
May karapatan akong tratuhin ng mabuti
Pagmamahal sa sarili ay mahalaga
Ako'y mahalaga
Aah