Summer Love Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2022
Lyrics
Biyaheng mahaba
Gising! nandito na
Naririnig mo na ba?
Sumasayaw ingay ng dagat
Buhangin sa'yong paa
Malayo sa siyudad na abala
Magtampisaw
Sa alat ng dagat
Init 'di ininda
Babalik pa ba?
Dito nalang tayo, masaya
Babalik pa ba?
Walang pangamba 'pag kasama ka
Ilabas ang margarita
Pati na ang gitara
Humulma ng kantang
Magkatabi sa tabi ng dagat
"Oh this summer love
Is more the enough
The cherries would pop
Let's tie it for our love"
Nagtatampisaw
Sa alat ng dagat
Init 'di inida
Babalik pa ba?
Dito nalang tayo, masaya
Babalik pa ba?
'Wag nalang kaya
Hala araw palubog na!
Pahinang magsasara na!
Handa ka na bang
Humarap
Sa magaspang na kinabukasan?
'Wag ka namang kabahan
Mahal, kamay ko'y yong hawakan
May oras pa
Kaya pa
Isa pang margaritatatata
Malakas ang tama 'pag kasama ka
Ang utak ko'y lumilipad na
Mga talatang gusto kumalawa
Kasama ang mga tala
Kumikinang ang 'yong mga mata
Ako ata ay nahihibang na
Bakit ba kasi lalayas pa?
Sa paraiso tayo masaya
Babalik pa ba?
Dito nalang tayo, masaya
Babalik pa ba?
'Wag nalang kaya
Huwag sanang mawala
Sana, oras pigilan na
Baka may pang-sindi ka ba?
Tara! magpakasaya na
Sa ilalim ng araw
Summer lllove (Ooh oooh)
Ayaw ko ng bumalik pa
Ayaw ko ng matapos pa
Ayaw ko ng mangamba pa
Ayaw ko ng mawala ka