![Tawag](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/02/18/5b7712d7ee7d41ba8e9637f6c60e1c7f_464_464.jpg)
Tawag Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2022
Lyrics
Sa kadiliman ay natagpuan
Inakay pabalik sa pinagmulan
Naduduwag pa ngang humakbang
Maaari mo bang samahan
Hinawakan mo ang kamay ko
Sana'y 'wag mo itong bitawan
Tinatawag mo, sinisigaw ko
Sana'y dinggin ang damdamin ko
Ang puso'y sumasamo
Hinihintay lamang ang tawag mo
Kung ako 'man ay aamin sa'yo
Mananatili ka ba o lalayo
Magtitiis ba ako sa ganito
O susugal ala-alang kasama mo
Kung ipilit 'mang itago 'to
Kakayanin kong isuko ang puso
Hinawakan mo ang kamay ko
Sana'y wag mo itong bitawan
Tinatawag mo, sinisigaw ko
Sana'y dinggin ang dalangin ko
Ang puso'y sumasamo
Hinihintay lamang ang tawag mo
Sana'y 'di na lang pinilit
Ba't ngayon ko lang naisip
Pagkakamali ba ang aking pag-ibig
Ba't ngayon ko lang nalaman
Sana'y aking iniwasan
Huling tawag mo pala'y paalam
Binitawan mo ang kamay ko
Sana'y hindi na lang sinabi sa'yo
Binitawan mo ang kamay ko
Sana'y hindi na lang sinabi
Tinatawag ko, sinisigaw ko
Naririnig mo pa ba ako
Naririnig mo pa ba ako
Naririnig mo pa ba ako