
Awit ng Paglilingkod ft. Jemima Mondares Lyrics
- Genre:Gospel
- Year of Release:2022
Lyrics
Kilala Mo ako buo kong pagkatao
Sa putikan ako'y hinango Mo, nilinis at binago
Ngayo'y aking namamasdan ang Iyong kabutihan
Lakas Mo't kapangyarihan, pag-ibig na di mapantayan
Sarili ay binibigay Panginoon inaalay
Di man sapat, Sayo'y ilalaan upang ika'y pasalamatan
Gamitin Mo ang buhay kong ito
Sa kalooban mo, Panginoon ako'y kasangkapanin Mo
Bigyan ng pusong may kabanalan
At katapatan na lagi kang paglingkuran, magpakailanman