Prinsesa Lyrics
- Genre:Soul
- Year of Release:2021
Lyrics
Darararatahhh
Dorororotototohh
Darararatattahh
Oh kay ganda naman ng iyong mga mata
Oh lalo na ang ngiti mong mala mahika
Huwag ng magtataka akoy laging sumasaya
Sa tuwing kasama ka
Oh gustong gawan ng tula at
Sinusulit bawat pagpatak ng minuto
Kelangan lagi mag sepilyo
Habang nakadantay ang yong ulo
Saking braso yun aking bisyo
Kahit di matalino akoy iyong pinili
Di ka magsisisi laging kampante
Wala satin ang kaliwete parehong swerte
Aawitan at isasayaw kita
Mula ngayon hanggang sa pagtanda
Prinsesa ko akoy para sayo
Pakinggan mo ang puso ko
Kahit magkalayo akoy naririto dina malilito
Magkabila man ang ating mundo
Darararatattahh
Kagandahan moy sobrang sarap pagmasdan
Habang akoy kumakanta sayong harapan
Kailanman hinding hindi ka papalitan
Gumuho man ang mundong ginagalawan
Akala ko itoy panaginip laging sumisilip
Di kita kayang limutin lagi ka lang nasa isip
Ala ala natin kay sarap isipin atin nang ipunin
Pagmamahalang inihain upang di tayo mabitin
At aawitin susulitin sabay lalambingin
Aawitan at isasayaw kita
Mula ngayon hanggang sa pagtanda
Prinsesa ko akoy para sayo
Pakinggan mo ang puso ko
Kahit magkalayo akoy naririto dina malilito
Magkabila man ang ating mundo
Prinsesa ko akoy para sayo
Pakinggan mo ang kanta kong ito
Kahit magkalayo ikay naririto
Saking puso magkabila man ang ating mundo