Hiling Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2022
Lyrics
Nawala ang saya
Pag-asa dyan ka ba
Ako ay nabigo
Kaya't tumawag ako
Lambing ng tinig mo
Ang aking hinihiling
Pagka't saya sa puso ko
Ay tila nakabinbin
Bawat tao may sariling
Panahon upang makapiling
Ang hiling ko sa bituin
Dumating na ang mga hinihiling
Bata pa ngunit may mataas ng
Pangarap, ohh kahit na bata pa
Marunong ng umasa
Nang maranasan ko
Ang iyong pagmamahal
Hiling ng puso ko
Ay Ikaw magpakailanman
Bawat tao may sariling
Panahon upang makapiling
Ang hiling ko sa bituin
Dumating na ang mga hinihiling
Bawat luha na dumaloy
Sa landas ko'y naisaboy
Kung ngayon ako'y palaboy
Bukas ba'y abot kamay ko na ang mga tala
Kasama kita, Kasama kita
Dito sa pangarap ko
Sa bawat tao na lumuha
Nabigo at naulila
Banggitin mo sa akin
Diringgin ko ang iyong hinihiling
Bawat araw na nanghihina
Ang lakas ko'y ipapaubaya
Makinig ka sa akin
Ako din ay may hiling
Ito'y 'yong tanggapin
Ako'y mahalin
Ohh yeah
Tanggapin mo ang biyaya mo
Isa lang hinihiling ko oh oh
Kahit anong marating
Paa'y nasa lupa padin
Mga ala-ala'y hindi aalisin
Sa pinang-galingan ay nakatingin
Dadalhin at babaunin
Sa mga nalagpasang suliranin
Ikaw oh Diyos ang nagligtas sa akin
Ako'y nakarating dito dahil ako'y pinasan Mo
Lahat ng meron ako ay dahil Sa'yo