![G WOLF (Filipina)](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/12/31/59947ca867fd4116aa4fc6a57e02d9b2_464_464.jpg)
G WOLF (Filipina) Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2021
Lyrics
G WOLF (Filipina) - Ganden G
...
Alam ko na isa 'to sa na-miss niyo yung ako'y magpaka-beast pero atleast
Lagi pa rin nasa list kahit walang ni-release yung mga diss
Buti na lang natiis ko kahit nakaka-inis
Sa unli pa lang ay panis na wala 'kong kailangan i-please
Ako lang yung 'di lumusog pero yung sulat busog yung beat ay palaging sunog
'Di na sumusulat ng hindi magkakatunog 'di pa ba kayo nakatunog
Sakin lang kayo nakakanood na yung tyamba magkakasunod
Kaya halatadong tulog pa yung taong nag-sabi sa aking 'di pa ko hubog
Tapos sila mga lyrics may kasamang kulog mga ugok magkakasabay na bulok (wow)
'Di kami yung dahilan kung bakit 'di na kayo patok
Sadyang hindi na pasok dito yung mga tira pasok
Napakadami kong naalog simula nung nakita nila 'ko tumula ng padabog
Lahat sila sakin pasugod totoo palang ang inggit ay hindi na kayang magamot
Ako lagi tampok ng mga tunog hambog laging may nag-aamok
Kahit na wala 'kong inalok may sumasagot ano ba naman ambot (hoy)
Parang sa buwan sumuntok mga pumutok pero sa pangalan namin nakabuntot
Mga kumurot nung lumagabog ang mga tunog na akala nila kabuteng sumulpot
Malamang sa malamang ay mauna padin sila mauntog
Bago pa makarating sa tuktok sira tuktok
Panahon niyo na maudlot kasi kami na ang taga-tuldok
Oh sige namnamin niyo lang pero pag tagal malalaman niyo rin ang sumatutal
Kung gusto niyong mapansin sige lang pero tandaang magka-iba ang nauso lang sa popular
Hoy 'di to madali boy 'wag niyo nga 'kong kini-kengkoy 'di ko na rin kayo ka-lebel oy
Malaki na ang kaibahan kahit magtanong ka pa sa iba diyan
Basta may alam alam niya na yan Diyos ko naman pag 'di pa inamin ewan ko na lang
Oh sige eto pa baka bitin ka pa sa mga naririnig mo ngayon
Ito yung tipo ng isang beses mo lang maririnig sa akin kada taon
'Di 'to para sa palakpakan gusto ko lang ipangalandakan
Na hindi lang ako pang-kalmahan na kantahan yun ang 'di niyo nalaman