Kahit Suntok Man Sa Buwan Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2021
Lyrics
Tuwing nakangiti ang iyong mga mata
Kay tingkad na liwanag ang aking
nasisilayan
At kapag ang araw ko'y di masaya
Bumubukas mga ulap pag ika'y
nalapitan
Nawawala na ang aking lumbay
Manhid na puso ay biglang nabuhay
Pwede na nga ba magkatotoo
Ang lihim na pag-ibig para sayo?
Sana ay madama mo ang sigaw ng puso at alay ng damdamin
Pag tingin ko sayo ay kay tagal tinago at ngayon humihiling
Sa bawat talang parehong natatanaw ng ating mga mata
Panalangin ko magsabay ang tibok ng puso kahit suntok man sa buwan
Kung sakali man merong mapapala
Handa akong sumugal para ika'y makasama
At kahit ang isip ko'y nalilito
Ayoko nang labanan ang tuluyang pagkahulog
Ngayon ay gusto ko nang tumalon
Dahil baka naman ako'y masalo
Pwede na nga ba magkatotoo
Ang lihim na pag-ibig para sayo?
Sana ay madama mo ang sigaw ng puso at alay ng damdamin
Pag tingin ko sayo ay kay tagal tinago at ngayon humihiling
Sa bawat talang parehong natatanaw ng ating mga mata
Panalangin ko magsabay ang tibok ng puso kahit suntok man sa buwan
Ayoko nang ibulong sa hangin
Di ko na kayang itanggi
Gusto ko lang kasi na malaman
Kung meron bang madaratnan