Ikaw Lang (Band) Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2021
Lyrics
May puwing ba ang iyong mata?
Bakit may luhang nakikita
Hindi ka makatingin ng tuwid sa aking mga mata
Ayaw mong magsalita o sadyang umiiwas ka kung bakit ka ganyan
Ako ngayon ay naguguluhan
Huwag kang mangamba sa aking pagmamahal
Huwag kang mag-isip ng ano pa man, pagkat...
Ikaw lang ang tanging minahal ng higit sa
lahat maging ang aking buhay
Ikaw lang at huwag ka mangangamba
Kahapon, at ngayon, bukas, at magpakailan man
Ikaw lang itanim mo sa isip mo pangalan mo'y
Nakaungkit dito sa puso ko
Ikaw lang at wala ng iba sinabi ko noon sa iyo
Kailangan pa bang ulitin to na ikaw lang
Nababakas ko sa iyong mukha
Na ikaw ay nangangamba
Kung ang pag-ibig kong
Ito'y sadyang tapat sa iyo
Ikaw ay nag-aalala sadyang nangangamba sa aking pag-ibig
Kung ang pag-ibig ko'y tunay