
Abot Tala Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2021
Lyrics
Hawak-hawak ang 'yong kamay
Ramdam ang init ng 'yong pagmamahal
Ng 'yong pagmamahal
Sa gabing iniisip
Na ako'y nag-iisa lamang
Nariyan ka, hindi nagsasawa
Sa likod ng mga ulap, ikaw ang tala
Pano kung dumating ang panahon na mawala ang sigla
'Di na mayayakap pa
'Di na mahahawakan pa
Ang iyong kamay
'Di na masisilayan pa
Kislap ng iyong mata
Sana hindi na lumisan pa
Aabutin mga tala
Susugurin mga ulap para makita ang kislap
Ng iyong ngiti, ng 'yong mata
Kung sakaling mawala ang alab ng iyong puso
Wag magalala, sasaluhin kita
May sasalo sayo
Sana 'di na dumating ang panahon na mawalay tayo
Sana mayakap pa
Sana mahawakan pa
Ang iyong kamay
Sana masilayan pa
Kislap ng iyong mata
Sana hindi na lumisan pa
Andito lang ako para sa'yo
Andito lang ako para sa'yo
Andito lang ako para mayakap mo
Andito lang ako para saluhin mga luha mo
Sana mayakap pa
Sana mahawakan pa
Sana makapitan pa ang iyong kamay
Sana masilayan pa
Kislap ng iyong mata
Sana hindi na lumisan pa
Sana mayakap ka pa
Sana 'di na lumisan pa