Loading...

Download
  • Genre:Hip Hop & Rap
  • Year of Release:2021

Lyrics

Ilan na ang panalong inuwi, 'di na para magkunwari

Minsan na rin akong muntikang masawi at

Natutuklasan pa mga dapat alamin na nalilikom sa sarili kong mali

Kakompetensya sa laro ang kahit sinong katabi

Dami ritong magaling, kasabay kong magpunyagi

Ngunit sa t'wing nag eensayo sa malalim na gabi

Dun ko na naririnig ang pinaka mahusay kong katunggali, ugh


Kaliwa't kanan na patugtog

Malaking kahang nadagadundong

Sulitin ang pagkakataong 'to

Nakatutok na lahat sa'yong pagtungtong


Kaliwa't kanan na patugtog

Malaking kahang nadagundong

Sa paghingang mapapabuntong

Ibuga mo na rin ang kumpyansa mo


Kaba sa dibdib, mabigat na bitbit, sa gitna nakatayo

Kasabay ng balahibong nagsisitindig, nakakahindik parang nag-iibang anyo

Kapag sinimulan nang bagsakan ang himig at bayo

Bahala na silang nakikinig sa pagsalo

Hindi ko na alam sinong sang-ayon

At hindi sa samu't-saring indak na nakikita ng mata ko

Mga ilingan at tango


Pakikisalamuhang nakikipagpakiramdaman din ng patago

Sa hindi man kakilala o 'di ko katalo

Nakakubli lang ang gigil sa loob na daigin kahit sinong kalahok


Kumpulan man sa dami ang mga duda sa'kin

Masasabi kong basta, 'di na para bilangin

Kasi pag 'di na matantsa

Lalo 'kong ginaganahang ipakita pa ang 'di rin nila sukat-akalain


Apoy ang kada punto para sa lahat ng tengang nakatutok

Kung may panibugho man o galit, hayaan na matupok

Sa ilong na lang nila palabasin ang usok, hmm


Mga waging tinangay, pagdating sa patagisan naging panabay

At matapos kong kunin ang panalo, nakikipag lamano

Pinapakita ko lamang kung pano

Yung 'panis, kinamay'


Kaliwa't kanan na patugtog

Malaking kahang nadagadundong

Sulitin ang pagkakataong 'to

Nakatutok na lahat sa'yong pagtungtong


Kaliwa't kanan na patugtog

Malaking kahang nadagundong

Sa paghingang mapapabuntong

Ibuga mo na rin ang kumpyansa


Ito'y hindi lang pag-aangas sa tunog

Bilang pinagtibay at nagbanat ng buto

Ito'y pagpapakita lang ng lakas ng loob ng nagsunog ng kilay bago magtaas-noo


Naging hasa at subok na may balanseng natutunan

Upang kalkulahin ang katangian ko na lulan

Naitalang galing mas higitan at talikuran

Kasabay ng harapin din ang sariling pagkukulang


Malimit na matumal sa aktibong ehemplo

Estudyanteng mahiyain, nakatikom lang pero potensyal ay sikreto na naging ibang klase pa rin at malikhain sa likod ng kwaderno


Sa daming nabuo, nagamit na udyok

Alanganin na kutob sinabay sa'king paglunok

Kada mainit na laban, talagang pinagpuyatan

Nagsisilbing katunatayang inalay pawis at dugo


Mula sa katiting hanggang maging dagsa

Gutom at gigil na mas nagningas pa

Nung umpisa ay 'sino to', hanggang gawing paksa

Nakasungkit ng titulo, wala pa ring mantsa


Sa bilang ng mga waging naitakda

Masawi man, may maiiwan pa ring tanda

Pagkat aking marka, nakadikit na sa pangalan, kinilala sa sulat, tila naging lagda


Kaliwa't kanan na patugtog

Malaking kahang nadagadundong

Sulitin ang pagkakataong 'to

Nakatutok na lahat sa'yong pagtungtong


Kaliwa't kanan na patugtog

Malaking kahang nadagundong

Sa paghingang mapapabuntong

Ibuga mo na rin ang kumpyansa mo

+

      -   or   -

      -   or   -

      NG +234
          -You can log in via below methods-
          Reset password via e-mail
          -or-
          Reset password via e-mail
          Feedback on resetting password
          * It may take a longer time

          Please Select A Playlist

          Add New Playlist

          Share on

          Embed: Love & Light EP

          Custom Size :

          • Default
          • Desktop(300*600)
          • Mobile(300*250)

          Type :

          • HTML/HTML5 (WordPress Supported)
          Get Boomplay Premium
          for
          Payment Method
          Pay With
            Review and pay
            Order Date
            Payment Method
            Due Today
            Flutterwave
              Subscription Successful

              Congratulations! You have successfully activated Boomplay 1 Month Premium.

              Now you have access to all the features of Boomplay App.
              Payment Failed

              Please check your balance and then try again.

              You'll lose your subscription if we don't have a working payment method for your account, so please check your payment details.
              Need help? Contact Boomplay Subscription Support.
              Payment Processing...
              10 s

              Payment is being processed by . Please wait while the order is being comfirmed.

              Payment Processing
              Your order is processing, and it may take up to a few days for the service provider to handle your payment. Please kindly stay tuned and check your order status in ‘User Center’.
              About Order Status