Selenophile Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2021
Lyrics
Sa tuwing ika'y nakakasama
Napapatulala
Sa gabing kumikinang
Ang mga tala
Aking sinta paumanhin
Kahit sumabog mga bituin
Tunay kong pagmamahal
Sa'yo pa rin
Napapaibig sa liwanag ng buwan
Kapag ika'y aking nasisilayan
Kasama ang mga tala sa gabi
Sana ako na lang ang 'yong katabi
Ako na lang ang 'yong katabi
Ikaw lang ang pinagmamasdan
Puso ko 'kaw lang ang laman
Sa gabing kumikinang
Ang mga tala
Aking sinta paumanhin
Itong aking aaminin
Tunay kong pagmamahal
Ikaw pa rin
Napapaibig sa liwanag ng buwan
Kapag ika'y aking nasisilayan
Kasama ang mga tala sa gabi
Sana ako na lang ang 'yong katabi
Ako na lang
Sa piling mo
Ako'y may liwanag na
Sa piling mo
Ay wag na sanang
Takpan
Ang nararamdaman
Napapaibig sa liwanag ng buwan
Kapag ika'y aking nasisilayan
Kasama ang mga tala sa gabi
Sana ako na lang ang 'yong katabi
Ako na lang ang 'yong katabi
(Napapaibig sa liwanag ng buwan)
Ako na lang ang 'yong katabi
(Kapag ika'y aking nasisilayan)
Ako na lang ang 'yong katabi
(Kasama ang mga tala sa gabi)
Ako na lang ang 'yong katabi
(Sana ako na lang ang 'yong katabi)
Ako na lang ang 'yong katabi