
Ama Namin / Sapagkat Sa'Yo Ang Kaharian Lyrics
- Genre:Gospel
- Year of Release:2002
This song is not currently available in your region.
Lyrics
Ama Namin / Sapagkat Sa'Yo Ang Kaharian - Bukas Palad Music Ministry
Written by:Anonymous
Ama namin sumasalangit ka
Sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan mo po kami ngayon
Ng aming kakanin sa araw araw
At patawarin mo kami
Sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin
Sa nagkakasalaan sa amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama
Sapagkat sa yo ang kaharian kapangyarihan at kapurihan
Ngayon at magpakailanman ngayon at magpakailanman