Sarap Mag Rap Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2023
Lyrics
Napaka sarap mag rap, pangarap yan
'Di ako nagpapanggap, dami lang kasing ganap
Sa buhay ko kaya minsan lang makapag lapag
Sabi nila ako'y napag iiwanan na pero 'di pa rin natitinag
Tuloy sa pagsulat gaganapan hanggat makilala't maging tanyag
'Di mo kayang mabali 'to, pundasyon mas matigas sa asero
Subok isang daang pursyento, palag kahit pa dehado ko
Lalagpasan, hihigitan, sasagarin kahit pa igapang ko
Oh kulang pa bang pinakita ko, hayaan mo umpisa pa lamang 'to
Sinagasa ng unos, "lakompake" Pakyu ka 2022
Ginawang tungtungan, mga pinagdaanan hanggang sa makaraos
Mas nakilala pa ang sarili, hindi sa swerte dumindepende
Mas gagalingan pa ng triple, ganado parang katapusana na at akinse
Utak ang mas pinapagana, sa proseso malaki aking tiwala
Bawat galaw masasabing meron kita naman sa ebidensya
Noon sa ngayon kahit ikumpara, mas lumaki ang diperensya
Hindi na limitado ang galaw, parang nakawala sa mata ng pidea
Hindi kailangan makipagsabayan, alam ko sa sarili ko na may napatunayan
Musika dala-dala hanggang kamatayan, ang mahalaga wala akong tinatapakan
Hindi hadlang ang bawat humarang sasagasaan ang mga kaawa awang nilalang
Na walang ibang ginawa kun'di matahin ang likha ng iba samantalang yung kanila matabang
Palaging tinatanong gaano mo ba kamahal, Ano pa bang mga kayang isugal
Kailangan ba na magmalalim, mga banatan ng mga makabagong lirisismo't teknikal
Mga barang hindi lang basta binara-bara, agresibong umandar wala na akong balak pumara
'Di na uso salitang maya-maya na, sa halip gumawa ng paraan sa abot ng makakaya
Inasawa ang pag-sulat ginabi-gabi, tugmaan na pinipilit mapag-tagpi-tagpi
Akala mo retasong tinahi-tahi, nagpapahinga lang kapag naiihi
Ang makilala sa napiling propesyon dami nagsasabing malaki lang daw ng ilusyon
Kung gano'n, di ko titigilan to' hanggang masabi mong, tangina pa'no niya kaya nakaya yon
Nais pang mapabilib aking sarili, kapag nilimitahan di ka makaka-abante
Imahinasyon mo lang ang salitang imposible, dedikasyon, patuloy ka lang na lumagari
Makinig sa magandang suhestyon, pangit mong nakaraan gawing motibasyon
Ako ay isa sa pinakabaliw na tao, musika ang gamit na medikasyon
Nakakasarap mag-rap, yan ang totoo, di ako nagpapanggap
Dami lang kasing ganap sa buhay ko, kaya minsan lang makapaglapag
Sabi nila ako'y napag iiwanan na, pero di pa rin natitinag
Tuloy sa pagsulat, gaganapan hanggang makilala't maging tanyag