Ermat Lyrics
- Genre:World Music/Folklore
- Year of Release:2024
Lyrics
Ang hirap iparamdam
Ang hirap ipa-alam
Tama bang sa cellphone na lamang
Tayo'y magkita't mag-usap
Ayokong maramdaman mo na
Ikaw ay nag-iisa
Ayokong maramdaman mo na
Ikaw ay nakalimutan na
Oh inay
Huwag nang malungkot
Kung pwede lang
Uuwi ako't sasamahan kita
Tanggapin nyo na lang itong
'Sang simpleng kantang alay sa 'yo
Huwag kalimutan na
Mahal na mahal kita oh inay
Kabataan namin ay
Ikaw lamang ang nariyan
Mag-isang magulang
Na nagpalaki sa amin
Buong buhay naghirap
Buong buhay inalay
Para lang kami'y mabuhay
Kinabukasa'y maaliwalas
Oh inay
Huwag nang malungkot
Kung pwede lang
Uuwi ako't sasamahan kita
Tanggapin nyo na lang itong
'Sang simpleng kantang alay sa 'yo
Huwag kalimutan na
Mahal na mahal kita oh inay
Nais ko sana'y
Maparamdam sa iyo
Pasasalamat na
Mula sa aking puso
Paglipas nang panahon
Ay parang bula
Huwag na natin palagpasin pa
Salamat 'nay
Oh inay
Huwag nang malungkot
Kung pwede lang
Uuwi ako't sasamahan kita
Tanggapin nyo na lang itong
'Sang simpleng kantang alay sa 'yo
Huwag kalimutan na
Mahal na mahal kita oh inay
Salamat 'nay
Mahal na mahal kita oh inay
Salamat 'nay
Mahal na mahal kita oh inay