![Tahimik](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/01/27/1651c147ad4948289ce45152336e2025H3000W3000_464_464.jpg)
Tahimik Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2025
Lyrics
Sa dami ng nasulat kong mga awitin
Hanggang ngayon 'di ko pa rin alam ang Paborito mo
Sa dami ng mga tinig
Na gusto kong marinig, sa'yo lang
Sa'yo lang
At kung papalarin man
Tanging pakikinggan
Ang tinig mo, ang tinig mo
Sa'yo lang nararamdaman ito
Sa piling mo, sa piling mo
Tenga'y hindi na kailangan takpan para mabingi 'Pagkat sa piling mo'y tahimik
Sa dami ng mga ingay sa'king paligid
Balewala lang ang lahat sa payapa mong bibig
Sa'yo lang, sa'yo lang
Ang tinig mo, ang tinig mo
Sa'yo lang nararamdaman ito
Sa piling mo, sa piling mo
Tenga'y hindi na kailangan takpan para mabingi 'Pagkat sa piling mo'y tahimik
Ang aking mundo'y tahimik
Dahil sa tinig mo, sa tinig mo
Sayo lang nararamdaman ito
Sa piling mo, sa piling mo
Tenga'y hindi na kailangan takpan para mabingi
Tanging ikaw lang at boses mo ang pumapawi
Ng 'di mabilang na gulo sa aking isip
Oh sa mundong maingay ay mananatiling
Ikaw ang aking tahimik