
Bangon Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2025
Lyrics
Tambay sa kanto buong araw, maghapon
Paporma-porma, pasipol-sipol
Banig at unan gamut mo sa gutom
Mahabang sermon merienda mo pagbangon
Kataway lulong sa bisyo walang pagbabago
Druga, alak, sigarilyo, ano pa bang alam mo?
Hanggang kelan matututo? Naaawa sa iyo
Bawat araw, bawat oras ay sinasayang mo
Lagi ka na lang bang ganyan?
Di kumakayod walang laan ang tiyan
Lagi ka na lang bang walang kanin sa pinggan
Tamad ka ba kaibigan?
Di mo ba nakikita, di ba iisipin?
Pagdating ng araw anong sasapitin?
Sa masaganang buhay di ba mabibitin?
Huli man raw ay naihahabol rin
Lagi ka na lang bang ganyan?
Di kumakayod walang laan ang tiyan
Lagi ka na lang bang walang kanin sa pinggan
Tamad ka ba kaibigan?
Walang kanin sa pinggan
Kanin sa pinggan
Kanin sa pinggan
Kanin sa pinggan
Walang kanin sa pinggan
Kanin sa pinggan
Kanin sa pinggan
Kanin sa pinggan