Kasalanan Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2025
Lyrics
Ano bang nadarama? Oh, bakit gan'to?
Sa tuwing umiiwas, lumalalim ang pagtingin ko.
Kung titignan mo mga matang 'to,
Sa'yo lamang nakatutok ito.
Bakit dati-rati 'di naman ganito?
'Di namamalayan ang oras, ba't ang bilis ng 'yong relo.
Mula umaga 'gang inumaga,
Sa'yo'y di ako nagsasawa.
Oh, ano ba ito? Ba't mo 'ko ginulo?
Hindi ko hinahanap pero dumating 'sang tulad mo.
Ngayo'y nalilito, nagkakakulay buhay ko.
Dahil sa'yo, oh, dahil sa'yo, kasalanan mo 'to.
'Di na maitago ang nadaramang 'to.
Mga pisngi ay namumula
Pag inuulan ng tukso.
Tinamaan, walang laban, gusto naman.
Oh, hindi na aangal.
Pero bakit ngayon ka lang dumating,
Nung 'di na humiling?
Nangangarap pa na may kasama sa liwanag o dilim.
'Tong tadhana'y mapagbiro, susugal na bang muli?
Sana'y di na mawala ng di na magtanong kung...
Ano ba ito? Ba't mo 'ko ginulo?
Hindi ko hinahanap pero dumating 'sang tulad mo.
Ngayo'y nalilito, nagkakakulay buhay ko.
Dahil sa'yo, oh, dahil sa'yo.