Piadosa Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2018
Lyrics
Hinubog mo ang katauhan
Ngunit hindi mo maintindihan
Pinagsabihan mong maigi sa bawat oras
Na lumipas sinayang ang 'yong pagsisikap
Layunin lang ay pag-unawa
Ngunit 'di mo maintindihan
At pilit na ibinabaon ang mga
Saklay sa lupa ng pait noon
Para sa sayaw ng buhay at ng pighati
Isang pangarap sa bituin ang pagbabalik
Nais lamang na makilala
Ang tunay kong mithi
Iniwan ko ang poder ng langit
At luha'y dumampi
At pilit na ibinabaon ang mga
Saklay sa lupa ng pait noon
Para sa sayaw ng buhay at ng pighati
Isang pangarap sa bituin ang pagbabalik
Ang butil ng abo'y humahalik
Ngiti'y lumipas sa isang saglit
Ang butil ng abo'y humahalik
Ngiting lumipas hindi mauulit
Yakapin mo nang mahigpit
Ang bawat oras ay muling napa sa'tin
Iwanan ang alaala
Ibaling mo ang lahat sa akin
At pilit na ibinabaon ang mga
Saklay sa lupa ng pait noon
Para sa sayaw ng buhay at ng pighati
Isang pangarap sa bituin
At pilit na ibinabaon ang mga
Saklay sa lupa ng pait noon
Para sa sayaw ng buhay at ng pighati
Sa kahulihan ay muling magbabalik