- Genre:Alternative
- Year of Release:2010
Lyrics
Nagpunta ako sa bahay ‘nyo kahapon
Sinugod pa’ko ng aso nyong ulol
May dala pang tsokolateng pasalubong
Pero ang nanay mo lang ang nandoon
Nakatambay sa may bahay ‘nyo maghapon
Niyaya pa ng nanay mong mag mahjong
Nalusaw na ang pomada ko sa ulo
Wala ka pa kaya umuwi nalang ako
Paglabas ng bahay ‘nyo may pumaradang auto
At nagulat nalang sa nakita ko
Mag-isa akong naglalakad sa kanto
At sinuwerte pang makatapak ng jebz
Pina-shot pa’ko ng mga lasingero
Pa-inom nako nang bigla kang nag text
Sabi mo where na u kase dito na me
Sorry kung na late ako traffic kase
Nag-reply ako kung sino yung lalake
Na naka akbay sa’yo dun sa tsikot
Ang akala ko ayaw mong may bigote
Kaya di ko napigilan ang lungkot
Ang reply mo jejeje, malisyoso ka kase
Yun ang kuya ko na galing Zimbabwe
Weh?