
Batang Kabitenyo Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2024
Lyrics
Bata bata bata bata
Batang Kabitenyo to
Tiga tiga tiga tiga
Tiga Kabitenyo to
Bata bata bata bata
Batang Kabitenyo to
Dito samin bawal
Kung mahina ang
Iyong Buto!
Batang Etivac at dito lumaki
Mula sa heneral mariano alvarez
May disiplina't dignidad parang aguinaldo
Marunong makisama wag ka lamang abusado (yah)
Kase di mo pweding maliitin basta basta
Walang problema kung maayos ang iyong asta
Subok na to kung ang pakay mo ay di maganda
Lugar ng matalino at alisto kaya ingat ka
Lahat ay may prinsipyo mga tao dito agresibo'ng
Maabot ang pangarap ganyang ang batang kabitenyo
Kahit saan mo dalhin may respeto parin
Wag mo lang kantiin para di ka samain
Tiga dito nagpatunay ng malayang pamumuhay
Bandera'y inangat winagayway na merong apat na kula'y
Mula sa isang araw at talong butuin
Hindi susuko anuman ang gustong abutin
Bata bata bata bata
Batang Kabitenyo to
Tiga tiga tiga tiga
Tiga Kabitenyo to
Bata bata bata bata
Batang Kabitenyo to
Dito samin bawal
Kung mahina ang
Iyong Buto!
Mula sa kasaysayan at hanggang sa ngayon
Daladala parin ang isip ng isang kampyon
May puso ng dragon at tapang ng liyon
Wag mong subukan ang anting anting ni mang ramon
Lahat ng hamon inareglado di nag reklamo
Sa diskarte kumikita ng malinis libo libo
Walang humpay dahil sa buhay dapat sumabay
Dito samin ay paabante para di ka maagang bumigay
Batang kabitenyo po may ugali pero hindi to sakim
Merong punto pagininsulto biglang paligid ay magdidilim
Merong isang salita di puro dada at mabuting kaibigan
Kung balak mo na traydurin dapat doble mong pagiispian
Di usapan ang titulo para barya ay maging buo
Dito ay sipag at tyaga pawis at dugo at pagiging totoo
Merong taglay ng bayani at saludo sa buhay nyong ibinuwis
Dahilan kung bakit tayo malaya at dayuhan ay nag si alis