Kayamo Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2024
Lyrics
Kaya mong ayusin ang sarili
Kayang matupad ang panaginip
Kaya mong ayusin ang sarili
Kayang matupad ang panaginip
Isang umaga ako'y napaisip
Ano ba ang aking misyon
Dami nang pinagdaanan para lamang
Humantong sa ganitong sitwasyon
Teka ano ba ako noon
Batang walang direksyon
Munting kuting sa gitna ng kagubatan
Na binabalot ng dilim
Kailangang lumaban
Kaya binaon sa sarili
Dapat tiyagain ng maigi
Limitado ang panahon mo
Kaya tumugon ka
Sayong mga panaginip
Wag manatili sa pagkakulong
Marami pang bagay na sayo'y
Magpapasaya
Kaya mong ayusin ang sarili
Kayang matupad ang panaginip
Kaya mong ayusin ang sarili
Kayang matupad ang panaginip
Dami na ng sinubukan
Para lang mahanap ang kaligayahan
Daming hindi masubukan
Sapagkat salat lagi sa kayamanan
Alam ko nang dapat gawin
Ngunit bakit ang dami parin na sagabal
Magpapanday ng itak
At pagtatagpasin ang mga nasa daanan
Wala nang makakagiba
Eto na ang simula
Di na magpapaapi
Sa mga halimaw sa harapan
Kaya mong ayusin ang sarili
Kayang matupad ang panaginip
Kaya mong ayusin ang sarili
Kayang matupad ang panaginip