![SAYANG ft. Markee](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/11/04/ca14c1bda4da4b729775184152068219H3000W3000_464_464.jpg)
SAYANG ft. Markee Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2024
Lyrics
Minahal mo na ako, ang sabi mo
Kahit na kaibigan, turing ko sa 'yo
Bakit 'di mo maintindihan
Na tayo ay hanggang kaibigan lang
'Yan tuloy, 'di makatulog nang husto
Sa kakaisip sa mga sinabi mo
Na kahit kaibigan lang kita
Minamahal na nga kita sinta
Nalilito na ang damdamin
Sayang kung 'di sasabihin
Baka magsisi pa
Sana nga ako din ay ibigin
Kapag ako nama'y umamin
'Di na tatanggi pa
'Di ko na alam ano ang gagawin
Dahil puso ko sa'yo tumitingin
Sana ay hindi na nagtaka
Noong sabihin mong"Mahal kita" diba?
Di ko na mapigil ang nadarama
'Pag kausap ka, puso'y anong saya
Sana ay masabi ko na rin
Ako sa 'yo ay mayro'ng pagtingin
Nalilito na ang damdamin
Sayang kung 'di sasabihin
Baka magsisi pa
Sana nga ako din ay ibigin
Kapag ako nama'y umamin
'Di na tatanggi pa
Nanghinayang nang magkita na tayo
May kasama ka at sobrang sweet ninyo
Halos 'di ako makangiti
Pinilit ko na lang magkunwari
Nalilito na ang damdamin
Sayang kung 'di sasabihin
Baka magsisi pa
Sana nga ako din ay ibigin
Kapag ako nama'y umamin
'Di na tatanggi pa
Kung kailan pag-ibig ko ay totoo
'Di ko na masasabi ito sa 'yo
Sayang..