![SELFCHECK](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/10/16/8eef2fe551024989a43a288fa69a6314H3000W3000_464_464.jpg)
SELFCHECK Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2024
Lyrics
Sampung bagay na ginawa mong tama
Isang pagkakamali pwedeng mawalan ng baga
Matagal mong tinanim
Marahil minsan ay nagtataka ka
Kung may aanihin pa ba sa dami ng pesteng naglipana
Nakakalat lang ang sagot
Kung madami ka'ng tanong
Minsan di' galing sa puso
Pag sinabi nang pabulong
Di duwag ang umiwas
Di ume-edad ng paurong
Nasa malayo na ang tino
Wala nang balak tumugon
Kaya kung, iisipin mo
Gaano pa ba kalayo ang byahe na to
Wag mo nang hintayin matanaw mo ang destinasyon
Ng wala man lang nabuo kundi galit at puot
Kung ano pang bagay na madaling makuha
Yun pa ang
Di mo maipag-pasalamat ng lubos
Ano ba'ng akala mo sa mundong to di' magtatapos?
Habang may buhay kang malayang ginagalawan
Ngayon palang simulan mo nang isipin
Ano'ng halaga mo sa mundong to'