Guho Lyrics
- Genre:Blues
- Year of Release:2024
Lyrics
Napanood ko na ito
Ang sabi ko sa sarili ko
Di marunong matuto
Ang pusong mapaglaro
Sa simula parang bago
Subalit paglaon nito
Isa na naman sa mga guho
Iniipon sa dibdib ko
Lilipas din, matatapos din
Sugat ay maghihilom din
Damdamin magmamanhid din
Alab ay huhupa din
Guho
Guho
Guho
Guho
Tulad ng mga guho
Itala na lang sa kasaysayan
Ng buhay kong ito
Mga guhong nagpalakas
Sa puso ko't nag-iwan ng bakas
Sana'y matuto na sa wakas
Ang puso kong puno na ng gasgas
Lilipas din, matatapos din
Sugat ay maghihilom din
Damdamin nagmamanhid din
Alab ay huhupa din
Guho
Guho
Guho
Guho
Tulad ng mga guho
Itala na lang sa kasaysayan
Ng buhay kong ito
Di mabigkas ng aking bibig
Ano mang sakit sa aking dibdib
Damdamin, natutong maging manhid
Tuloy ang buhay kahit na masakit
Para bang nangungutya
Sadya itong tadhana
Paikot ikot at paulit-ulit
Pasikot sikot at pinilit pilit
Sa bandang huli, hindi rin pala
Bilog at tatsulok di magtutugma
Wag nang umasa pang
Mga guho'y tumindig ng bigla
Guho
Guho
Guho
Guho
Tulad ng mga guho
Itala na lang sa kasaysayan
Ng buhay kong ito
Mga guho'y itala na lang
Sa kasaysayan ng buhay kong ito
Mga guhong iniipon sa dibdib ko
Guho
Guho
Guho
Guho
Guho