
Walang Permanente Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2024
Lyrics
Pa iba iba ang ikot ng mundo
Di malaman ang isipan ng tao
Walang permanenteng estado
Kung ngayon ikaw salat pwedeng maging paldo
Pa iba iba ang ikot ng mundo
Di malaman ang isipan ng tao
Wag magpasakop sa negatibo
Manatiling pagkataong positibo ohhh
Ibat iba ang sitwasyon kanya kanyang mga problema
Pagalingan na lamang kung pano mo madadala
Sa bawat araw na dumadaan di mo namamalayan
Ang pagsubok kailanman di mo maaaring takasan
Minsan ay nasa ilalim minsan ay nasa taas
Tuloy mo lang ang pagpidal kahit na merong mabaklas
Pagkat di mo namamalayan paglipas ng panahon
Yung dati mong tinatapakan ay mayaman na ngayon
Ang bawat tao mayroon kanya kanyang kakayahan
Wag basta mamaliitin porket walang pinagaralan
Kasipagan sulosyon para makaahon sa hirap
Walang imposible basta ikaw ay may pangarap
Tuloy mo lang kahit na maliit lang ang yong sahod
Pwede kang magpahinga kapag nakaramdam ng pagod
Laging pakatandaan na kung salat ka man ngayon
Baka bukas makalawa ikaw naman ang mayroon
Pa iba iba ang ikot ng mundo
Di malaman ang isipan ng tao
Walang permanenteng estado
Kung ngayon ikaw salat pwedeng maging paldo
Pa iba iba ang ikot ng mundo ohhh
Di malaman ang isipan ng tao
Wag magpasakop sa negatibo
Manatiling pagkataong positibo ohhh
Hindi dapat ikinukumpara sarili sa iba
Iba ang swerte mo sa swerte nya
Guhit ng palad mo at kapalaran nya
Wag inuugaling pairalin ang inggit
Walang gamot na naimbento sa ganyang sakit
Tandaan na talo ang inip
Daig pa ng maagap ang masikap
Wag kang mainip
Iihip din ang hangin pabalik
Mararating din ang tuktok kahit na matarik
Basta kapit lang pananalig laging bitbit
Maging ehemplo di man araw araw nasa templo
Basta importante mahalaga positibo
Pananaw garantisado na matatanaw
Wag makihalubilo sa mga utak na ampaw
Pokus lang at wag magpaapekto sa lubak
Gawin mong gasolina mga matang mapang libak
Sapagkat sa pagbagsak mo sila mas interesado
Kaya galingan ng galingan hanggang sa pumaldo
Pa iba iba ang ikot ng mundo
Di malaman ang isipan ng tao
Walang permanenteng estado
Kung ngayon ikaw salat pwedeng maging paldo
Pa iba iba ang ikot ng mundo ohhh
Di malaman ang isipan ng tao
Wag magpasakop sa negatibo
Manatiling pagkataong positibo ohhh
Ikaw kilala mo kung sino ka
Di na kailangan ipaliwanag sa iba
Ikaw kilala mo kung sino ka
Di na kailangan ipaliwanag sa iba
Pa iba iba ang ikot ng mundo
Di malaman ang isipan ng tao
Walang permanenteng estado
Kung ngayon ikaw salat pwedeng maging paldo
Pa iba iba ang ikot ng mundo ohhh
Di malaman ang isipan ng tao
Wag magpasakop sa negatibo
Manatiling pagkataong positibo ohhh yeah