
Tuwing Gabi Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2024
Lyrics
Pagsikat paglubong ng araw ika'y nandiyan
Hindi man lumitaw mga tala'y ika'y nandiyan
'Di ko lang sadya na'ng aking pagtingin ay para sa iyo
Bakit ba gan'to bakit sa iyo ako'y litong-lito
Dumidilim ikaw ang hanap lumalabas na ang buwan
Alapaap 'di makita mukha mo'y 'di ko mapinta
Tuwing gabi ikaw ang naiisip
Kahit pa sa aking panaginip
'Di ko mabatid
Itong pag-ibig ko sa'yo, ko sa'yo
Paglipas ng ilang mga araw ay napagtanto
Na oras ko na 'tong tumuloy sa bagong yugto
Ang bawat kilos ko't aking mga hiling ay para sa iyo
Bakit ba gan'to bakit sa iyo ako'y litong-lito
Dumidilim ikaw ang hanap lumalabas na ang buwan
Alapaap 'di makita mukha mo'y 'di ko mapinta
Tuwing gabi ikaw ang naiisip
Kahit pa sa aking panaginip
'Di ko mabatid
Itong pag-ibig ko sa'yo, ko sa'yo oh
Tuwing gabi ikaw ang naiisip
Kahit pa sa aking panaginip
'Di ko mabatid
Itong pag-ibig ko sa'yo, ko sa'yo oh