
Alaala Lyrics
- Genre:Folk
- Year of Release:2024
Lyrics
Tingin, ng iyong mata
Ay para bang kay layo mo sa'kin
Hiling ang makita kang
Sumasabay sa tinig na aking gagawin
At sa tuwing ako'y magbibiro
Ikaw ay tatawa
At tayo ay hihingi ng pagkakataon
Na di' kailangan pang
Umabot sa oras ngayong
Wala ka na
Muling ikaw ay tatakbo
Sasalubong sa 'king pag-uwi
Damhin, halik at yakap mo
Sa araw at gabing lumalamig
At sa tuwing ako'y mabibigo
Ikaw ang kasama
At tayo ay hihingi ng pagkakataon
Na di' kailangan pang
Umabot sa oras ngayong
Wala ka na
At sa tuwing ako'y magbibiro
Ikaw ay tatawa
At tayo ay hihiling ng pagkakataon
Na di' kailangan pang
Umabot sa oras ngayong
O magkita man tayo doon
Umabot sa oras ngayong
Sa gilid ng iyong mata
Ay may luha sa tuwang makita ka
At nais kitang mayakap pa
At makita kang muli
Makita kang muli
Gilid ng iyong mata
Ay may luha sa tuwang makita ka
At nais kitang mayakap pa
At makita kang muli
Makita kang muli