Dugong Bayani (Heroes' Blood) Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2022
Lyrics
Ito ang ating lahi, wag nating kahiyain
Dapat nating ipagmalaki, ang kakayahan natin
Dahil dugong bayani ang dumadaloy sa atin
Lahat ng hamon ay malalampasan natin
Unang lumaban si LapuLapu sa mga mananakop
Hindi din ngpasakop si Sultan Kudarat sa may bandang timog
Lumaban ang mga Katipunero sa pamumuno ni Bonifacio, Ang Supremo
At ang utak ng himagsikan ay si Apolinario
Itaas mo ang iyong noo! (ako'y isang Pilipino)
Iwagayway ang watawat mo (Bayani ang aking dugo)
Kaibigan! Kaibigan! 'di ka nagiisa... (tayo'y magkaisa)
Pilipino! Pilipino! Pilipino! Pilipino! Saan ka mang bansa
Saan mang sulok ng mundo, bayani ang makikita mo
Mga kultura't tradisyon ay pinagmamalaki ng Pilipino
Dahil dugong bayani ang dumadaloy sa atin
Lahat ng hamon ay malalampasan natin
Lumaban si Goyo sa Tirad Pass
Nag-init si Heneral Luna at ang kanyang Luna Sharpshooters
Nagsanib pwersa si Sakay at ang mga Katipuneros
Nakipaglaban sila para sa ating kasarinlan
Itaas mo ang iyong noo! (ako'y isang Pilipino)
Iwagayway ang watawat mo (Bayani ang aking dugo)
Kaibigan! Kaibigan! 'di ka nagiisa... (tayo'y magkaisa)
Pilipino! Pilipino! Pilipino! Pilipino! Saan ka mang bansa
Sa pula sa puti, ba't ganyan padin
Ba't ganyan pa din ang gawain natin?
Hindi pa ba tayo nadadala sa kanila
Sila etong gumugulo sa ating bansa
Bakit pa ba tayo pumapanig sa hindi panig sa atin na alam naman nating sila ang nakakasama sa atin.
Eto na nga't tayo'y hirap na hirap,
Patuloy na pinaglalaruan ang mga mahihirap.
Ningas kugon, alisin natin
Palabra de Honor ang ibalik natin
Sabi nga ni Rizal, ikaw ay malansa!
Kung hindi mo na alam ang sarili mong wika
San ka pupulutin? sa kangkungan
Kung hindi ka magsusumikap at tatamad tamad lamang
Sinag ng araw ang ating lakas
Tatlong bituin ang ating landas
Iba ka Pinoy, angat ka sa iba
Yang ang sinabi ni Tandang Sora!