Panaginip Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2020
Lyrics
Sabi nila 'wag kong pilitin
Ang aking damdamin sa'yo
Sabi nila 'wag kong isipin
Lalo lang magiging komplikado
Minsan hindi mapigilan
Ang aking sarili kapag ika'y nandyan
Tingin mong hindi maiwasan
Hanggang Panaginip nalang
Biglaan nalang sayo'y naakit
Ngunit hindi ako sayo makalapit
Gustong harapin, gustong aminin
Pa'no ba ito sasabihin?
Minsan 'di mapigilan
Ang aking sarili kapag ika'y nandyan
Tingin mong hindi maiwasan
Hanggang Panaginip nalang
Hindi mapaliwanag
Ang aking nararamdaman
Pero maghihintay ako, maghihintay sayo
Kahit hindi 'mo ako gusto
Minsan hindi mapigilan
Ang aking sarili kapag ika'y nandyan
Tingin mong hindi maiwasan
Hanggang Panaginip nalang