![Freestyle 3](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/07/24/6d330783c9dc4d16ab5f9691fcacd157_464_464.jpg)
Freestyle 3 Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2024
Lyrics
Nung musmus palang ang dami ko ng pinangarap
Mga gustong maging, gawin at binabalak
Pero hindi pala madali ang hinahanap
Andami pang nagawang mali na di na dapat
Pa na mangyari pagkat natuto na
May mga panahong sa gabi mata naluluha
Sapagkat hindi alam kung saan mapupunta
Pagdududa sa sarili kung meron pang mabubuga
Dahil palagi nalang kaba sakin ang nauuna
Kaya may mga pagkakataong madalas nabubura
Di pa nga nagsisimula pero parang susuko na
Di pa naglalakad iniisip na agad na tutumba
Sa gantong sitwasyon na ang hirap makawala
Na di ko makita ang halaga
At dahilan kung bakit ko ba to ginagawa
At kung sa hulihan may malakihan bang mapapala
Nagugulumihanan/ pagkat malapit na sa Hangganan./ang storya sa isang parte
Kaya diko maiwasan/ ang pag aagam agam
Dahil ang gagamapan sa sunod ay mas malaki
Nakakatakot harapin ang paparating
Na nagmamadaling kinabukasan
Sasalubungin ba o iiwasan
Nalilito ang hirap pa malinawan
Kakampi ba ang sarili o kalaban
Ang kasagutan pano ko malalaman
Walang bilib sa sarili sino aasahan
Kung ang mismong paa ko ang aking inaapakan
Kaya hirap umusad nananaig ang duda
Bago mo ayawan atleast gawin mo muna
Pero paano po ba takot lagi nauuna
Ayaw na kasing mabigo at pumatak ang aking mga luha
Ayaw lumabas sa kahon mas pinili na manatili sa nakasanayan
Nawili sa panandaliang kasiyahan
Ang sarili ay napabayaan
Anong magagawa ko kung ganito itrato
Ang sarili ko paano ko ba mababago
Oo sabik manalo pero ayaw matalo
Kabado palagi itaya ng patipato
Ang tingin ko sa hinaharap ay malabo
Ayaw makipaglaro sa apoy baka mapaso
Mga pagkakataon isa isang naglalaho
Hangga't patuloy nananaig ang duda at takot
Hahayaan nalang ba na ganito
Ayaw sumubok kasi ayaw na mabigo
Pero isipin mo ang mga sinasabi ko
Ang mga kabiguan parte lang yan ng byahe mo
Kaya abante lang kahit pana nahihirapan
Kahit anong mangyari patuloy paring ilaban
Oo madalas lagi na napanghihinaan
Pero ang yong mga pangarap wag mong bibitawan
Oo ayos lang palagi na kabahan
Pero wag magpadala dapat dyan ay palagan
Ang pagdududa paranoya ay kalasan
Dapat buo ang loob at mas lalo pang lakasan
Sa gantong sitwasyon sobrang hirap na kumawala
May maiiwan ba ?pag bigla akong mawala
Sapat na ba lahat ng aking mga ginagawa?
Ng mabitawan ko na ang tangi nang dinadala